Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magjowa noon, mukhang mag-tito ngayon: Kim mas bumata, sariwa kesa kay Gerald

0 106

Chika ng mga fan, halos pareho lang ng edad sina Gerald Anderson at Kim Chiu, at sabay nga silang pumasok sa showbiz via Pinoy Big Brother (although nagba-back up na nga raw si Gerald kay Joross Gamboa bago pa mag-PBB), pero bakit parang ang layo raw ng agwat nilang dalawa?

Si Kim ay 31 years old na noong April 19 (1990 pinanganak), at si Gerald naman ay 32 na noong March 7 (1989 pinanganak). So, isang taon lang ang agwat nila.

Pero tanong nga ng mga fan, kung ikukumpara ang itsura nila, masyadong bata ang dating ni Kim kay Gerald.

Unang-una, nagulat ang mga fan na sa isang vlog ni Gerald, labas na ang mga puting buhok nito. Bukod pa raw na sa bagong hairstyle nito (skinhead), mataas na rin daw ang hairline nito.

Samantalang si Kim, habang tumatagal daw, lalong bumabata, gumanda, sumiseksi pa.

Si Gerald daw, bagamat aktibo sa exercise at macho rin naman, pero parang mukha na raw daddy-daddy ang body. Si Kim, puwede pa raw ipantapat sa mga bagets na paseksi sa IG.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Anyway, malaking factor raw siguro na si Kim ay masayahin, bungisngis. Hindi raw tulad ni Gerald na parang masyadong seryoso sa buhay.

Bukod pa raw sa mahilig kasi sa mga outdoor activities si Gerald, na madalas lantad sa sikat ng araw, unlike Kim na puro indoor daw ang ehersisyo.

Well, parehong may dugong dayuhan ang dalawa. Nagkataon lang na ang lahi ni Gerald ay mas madaling mag-mature ang itsura.

At siyempre, iba rin kasi mag-alaga ang mga babae sa katawan, itsura nila. So, normal lang na sa sobrang pagka-banidosa ni Kim, mas lalo pa itong gumanda, bumata, sumeksi.

Pero aminin niyo, kahit sinasabi nilang nagmukhang masyonda na si Gerald, malakas pa rin ang sex appeal, lalo na ngayon na palaban na rin siya sa pagpapasilip ng bukol niya, di ba? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.