Una sa Balita

Magjowa na kasambahay buking sa pagnanakaw

0 252

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-live in partner na modus operandi ang magpanggap na kasambahay pagkatapos ay saka pagnanakawan ang kanilang amo sa ginanap na operasyon sa Barangay Barosbos, Carles, Iloilo City.

Kinilala ni NBI director Dante A. Gierran ang mga suspek na sina Richard Perillo at Jerile Arnillo.

Nabatid kay NBI-Anti Organized Crime and Transnational Crime Division chief Atty. Joel M. Tovera, nahuli ang dalawang suspek nitong nakaraang Hulyo 10 sa Iloilo City sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Malolos City (RTC) Branch 8 dahil sa kasong qualified theft.

Gawain umano ng dalawa ang mag-apply bilang kasambahay sa Metro Manila at kapag natanggap na sila ay sisimulan na ang pagnanakaw sa bahay na kanilang pinagtatrabahuhan, saka sila sabay na uuwi sa kanilang lalawigan at paglipas pa ng ilang taon babalik ulit sa Maynila para humanap ng panibagong biktima.

Nabatid pa na may tatlong warrant of arrest ang inilabas laban sa dalawa mula sa Taguig para sa kasong robbery at qualified theft naman sa Valenzuela City.

Inaalam naman ng NBI kung may iba pang nabiktima ang mga nahuling suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy