Una sa Balita

Maginie Yu teacher NA, breeder PA!

0 765

Ni Elech Dawa

MARAMI nang babae ang gumagawa ng ingay bilang sabungera at breeder, na alam ng lahat na ito’y mundo ng mga macho.

Unti-unti nang nagiging pangkaraniwan ang mga babae sa loob ng sabu­ngan, nasasabayan na nila o minsan ay nahihigitan pa ang mga kalalakihan pagdating sa pagbi-breed at kadalasan ay tinatalo na rin ang mga lalaki sa laban.

Matunog ngayon sa mundo ng sabong lalo na sa socmed o social media ang lady breeder at English teacher na si Maginie Yu ng MYRE GameFarm.

Mabilis ang pag-angat ng kanyang pangalan, tinitingala at iniidolo ng ibang mga baguhang sabungero, bukod sa pamangkin siya ng bigtime cocker at two-time World Sla­sher Cup champion na si Honey Yu, nakilala rin si Maginie dahil sa kanyang malulupit na materyales na ginagamit sa pagbi-breed tulad ng Johnny Jumper Kelso, Yellow Legged Hatch, Possum Sweater ng blackwater ni Carol NeSmith.

“‘Yung tatlo original lines namin ay pinaiikot-ikot namin, (Johnny Jumper Kelso, Yellow Legged Hatch, Possum Sweater – blackwater) lahat ‘yan mga imported, mga tested namin na winning line,” kuwento ni Maginie na isa sa mga paborito niyang blood line ay ang Cardinal Club Kelso.

“Baby ko si Eagle kaya gusto ko ‘yung Cardinal Club Kelso dahil ‘yan ang bloodline niya,” saad ni Maginie.

Pero ano nga ba si Maginie Yu, paano siya napunta sa pagiging breeder samantalang dati siyang guro sa elementary sa Lucena City.

“Maraming hindi maniniwala pero I was a teacher for 10 years, kakaiba ‘yung naging takbo ng career ko at nag-e-enjoy naman ako,” pag-amin ni Maginie.
“General ‘yung tinuturo ko pero mostly English, nagte-train din ako sa declamation, oration kasi writer din ako pero hindi ko naman nagamit, pero it’s a good experience.”

Isiniwalat din ni Maginie kung paano siya unti-unting hinubog ng kanyang Tito Honey Yu sa pagmamanok.

Q&A

Sportalakan: Sino po ang gusto ninyo makalaban na big time?
Maginie: Gusto ko makalaban sana si Sir Atong Ang dahil hinahangaan ko, kaya lang hindi ko kaya ‘yun malaki mamusta ‘yun.

Sportalakan: Ano po ‘yung pinapangarap ninyo salihan at mag-champion?
Maginie: ‘Yung World Slasher Cup at Pit Master ang gusto namin na salihan, pero not now, hopefully next year.

Sportalakan: May na-experience na po ba kayo na hindi maganda sa ruweda sa mga nakakalaban ni Nyo?
Maginie: Wala naman akong experience na hindi maganda sa ruweda kasi mga gentleman naman mga nakakaharap ko, bilang babae they respected me, hindi nila ako sinusubuan sa bitaw, mga dirty trick wala naman.

CAREER HIGHLIGHTS

April 2019
Team Quezon Encuentro sa Pasay

2018

3-Cock Derby (Invitational)
Masinloc, Zambales

2015

Invitational
3-Cock Derby
Bataan

3-Cock Derby
Subic

4-Cock Derby
Candelaria,
Zambales

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy