Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maging positibo

0 196

HELLO mga ka-Abante.

Sa wakas nailagay na ang NCR sa modified community quarantine tapos sa ibang lugar naman patuloy pa rin sa ECQ, MGCQ o total lockdown sa mga malala ang COVID-19.

Napakalaking pagbabago nito pagdating sa ekonomiya at sa maaring pagbalik ng virus sa ikalawang pandemic.

Mas marami pa ring positibo tayong nakikita sa kadahilanang nakakapagtrabaho na muli ang ating mga kababayan.

May mga hadlang lang sa pagsakay pero nagiging new normal na ang galawan ng mg tao.

Malaki pa rin ang porsiyento sa lipunan na sumusunod sa health protocols na ipinatupad ng gobyerno. Kaya ito ay magandang senyales na ang mga Pilipino ay takot sa virus.

Sa larangan ng sports tulad ng basketball, masusing pinag-aaralan ng mga team at organizer kung papano ang training at laro na hindi makukumpromiso ang health hazards ng virus.

Malaki ang chance na matuloy ang NBA, PBA at NBL sa Agosto kapag gumanda pa ang datos ng recovery.

Meron nang bagong alternatibo ang mananakay sa EDSA, nasa gitna ang babaan ng mga bus.

Kahit sa Europe ito ay nagawa na rin nila ang ganitong klaseng mode of commuting.

Para maibsan ang parada at babaan ng pasahero sa kanang bahagi.

Naging hygienic bigla ang mga Pinoy. Patuloy natin makikita sa mall, office at iba pa ang mga thermal scanner, hazard mat, sanitizer at alcohol.

Pagdating sa negosyo medyo mga 30 percent halos ang kita.

“We are a step in the right direction.” Ang forecast ng recovery ay mga 2-3 years pa kaya haba ng pasensya at tiyaga ang kailangan.

Congratulations kay Thirdy Ravena for making it sa Japan League. First time sa isang Pinoy na makalaro sa ganyan liga pagdating sa basketball.

Thirdy do well para naman makita ng mga hapon ang Filipino type of basketball.

Leave A Reply

Your email address will not be published.