Una sa Balita

Maging mapagmatyag laban sa masasamang tao

0 403

Dear Abante:

Simula nang magdeklara ang Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa buong Mindanao laban sa mga komunista at teroristang grupo ay nabawasan ng bahagya ang krimen sa aming probinsya dahil sa pinalakas na checkpoint ng mga awtoridad.

Dahil sa mga nabigong plano ng mga Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nagsagawa na lang sila ng mga diversionary tactic katulad ng paghahasik ng kasamaan gaya ng mga suicide bombing incident na naganap sa iba’t ibang kapuluan ng Mindanao.

Sa pinalakas na puwersa ng military, palipat-lipat sila ng lugar para hindi matunton ng awtoridad hanggang sa mapadpad sila sa lugar kung saan kinaroroonan ng mga militar at sa hindi inaasahang magkaengkwentro at mauwi sa matinding bakbakan.

Sa aking opinyon, para makatulong sa ating bayan, agad po nating ipagbigay-alam sa ating lokal na gobyerno at mga awtoridad ang mga bagong mukha na paali-aligid sa ating lugar nang sa gayon maiiwasan ang mga kahina-hinalang tao na nagbabalak ng kasamaan sa ating lugar.

Anthony Dimalupig

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More