Una sa Balita

Maging makatao, ‘dirty coal contracts’ ng Meralco, ibasura!

0 246

Hinikayat ng clean energy at grupo ng mga konsyumer sa Energy Regulatory ­Commission (ERC) na ­magpamalas ng ­pagmamahal sa ­pamamagitan ng hindi pagpayag na ­magwagi ang ‘dirty coal ­contracts’, makaraang ianunsiyo na sa mga darating na araw ay kanila nang ilalabas ang naging ­desisyon sa aplikasyon na anim na bagong ‘power ­contracts’ ng Meralco.

Ayon sa Power for People Coalition (P4P), ang malaking bahagi ng Meralco’s pending ­Power Supply ­Agreements (PSA) ay nagmumula sa ‘coal’ o karbon, sa ­kabila ng ­paulit-ulit na ­panawagan at ­mariing ­pagtanggi ng mga ­consumer at ­apektadong komunidad.

“While it may be that the ERC really is seeking to ensure that power ­consumers are supplied with ­sufficient, reliable ­electricity, we call their ­attention to the fact that ­allowing coal to ­continue ­wreaking ­havoc in the power ­sector goes ­completely against that goal,” giit ni Gerry Arances, ­convenor ng P4P at ­Executive ­Director of the Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More