Una sa Balita

Maging bukas sa nangangailangan

By
0 2

Nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa lahat ng Pilipino na maging bukas sa mga nangangailangan partikular ang mga mahihirap ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Sa kanyang Christmas message, sinabi ni Tagle na madali na para sa mga Filipino ang pagdamay sa mga nagangailangan dahilan sa kilala ang mga Pinoy sa pagiging hospitable sa mga bisita at nangangailangan.

“Christmas is a reminder of hospitality denied by people but reversed by the merciful hospitality offered by God. I pray that our Christmas may make us more hospitable or welcoming to others, especially the poor and needy. Will we make room for them?” sabi ni Tagle.

“As Filipinos and as members of the human family, we need to ask: why is there room for a new television set or the latest gadget but not for another child in the family? Why is ‘rugby’ for sniffing available but not affordable nutritious food? Why are vices within reach of young people while education seems unattainable? Why are guns and other weapons more accessible than decent jobs?” dagdag pa nito.

Apela rin nito na dapat magkaroon ang mga Pinoy ng puwang sa puso para sa Panginoon sa pamamagitan ng pagiging bukas ang pintuan ng bahay at tumanggap ng mga nagugutom, nauuhaw at walang damit.

Samantala, sinabi naman ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo na ang tunay na kahulugan ng Kapaskuhan ay pagdamay sa mga nangangailangan at pagpapahalaga sa buhay.

“Ang kapayapaan at ang mga dukha ang siyang sentro at puso ng Pasko. Ang Mesiyas ay isinalang na dukha binasbasan at dinakila niya ang mga dukha. Itinuturing niyang mga anak ng Diyos ang kumikilos para sa kapayapaan sa ating bansang naghihikaos at nababalot ng dilim,” sabi ni Quevedo sa Radio Veritas.