Una sa Balita

Magic nag-resign sa Lakers

0 228

ISA’T kalahating oras bago ang tipoff ng Los Angeles Lakers-Portland game Martes ng gabi, biglang nag-resign si president of basketball operations Magic Johnson.

Kahit dumating si LeBron James noong summer, humaba pa rin sa anim ang consecutive losing season ng Lakers (37-44), si Magic ay naupo sa puwesto sa loob lang ng 26 months.

“I want to go back to being who I was before taking this job,” pigil ang pag-iyak na pahayag ni Johnson sa mga reporter. “We’re halfway there with LeBron coming. I think this summer, with that other star coming in, whoever is going to bring him in, I think this team is really going to be in position to contend for a championship with the growth of the young players.”

Ngayon pa lang, magulo na ang papasok na season ng 16-time NBA champions.
March 22 pa nang ma-eliminate ang LA, pero tinapos pa rin nila ang huling mga asignatura 6-5. Ang 37 wins nila ngayon ang pinakamarami ng prangkisa sapul nang huling pumasok sa postseason noong 2013.

Lumalamang pa ang Lakers sa fourth bago tumukod sa Trail Blazers 104-101. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy