Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maghari nawa ang malasakit ngayong krisis

0 81

Ginugunita ng Simbahan ang Pista ni San Aloysius Gonzaga, ang bagitong Santo ng mga Heswita at hinirang na pintakasi ng mga mag-aaral at kamakailan ay kinilala rin ng Iglesya bilang ‘Patron of AIDS Patients at Caregivers.’ Dahil pumanaw si Aloysius sa edad na dalawampu’t tatlo lamang, maraming nag-akala na isa siyang masakitin at mahinhing bata katulad ng nakalarawan sa mga estampita.

Gayunpaman, makisig na binata sa San Aloysius na nagmula sa angkang kinabibilangan ng mga mandirigma, prinsipe, markes, duke at hari. Ipinanganak siya sa kastilyo ng Castigliona, Lombardy noong Marso 9, 1568. Nasa kanya na ang lahat para maging marangal sa daigdig; sa katunayan, nais ng kanyang ama na siya ay maging sundalo. Ngunit hindi ito ang hilig ni Aloysius kundi ang gawang kabanalan.

Upang malubos ang kanyang hangaring maging santo, pumasok si Aloysius sa Samahan ng mga Paring Heswita noong Nobyembre 25, 1585 sa Roma- bagay na lubhang ikinagalit ng kanyang ama. Sinisi nito ang ina ng bata at ang paring tiyutor sa pagtuturo ng aniya’y ‘pious nonsense’ sa anak at tinakot si Aloysius na ipahahagupit hanggang magbago ang isip; ngunit lalong naging buo ang pasya ng binata.

Isinuko ni Aloysius at ipinasa sa kanyang kapatid ang kanyang mana at naging isang nobisyo sa mga Heswita. Ipinadala siya sa isang ospital na pinapatakbo ng kongregasyon sa Roma. Sa harap ng napakahirap na asignasyon sa piling ng mga maysakit sa panahon ng pandemya, sinikap ni Aloysius maging tapat sa kanyang tunkulin. Kinailangan niya lahat ng lakas at tapang sa maselang responsibilidad.

Related Posts

Pagdaramdam

Bagong kabanata

Kwento ng Simbahan, “the filthy wards and bedding infested with lice and fleas were bad enough- but the patients with their hideous wounds or awful diseases, truly frightened him. It took all his Gonzaga willpower to get through each day. Then Aloysius had a change of heart. Many of the patients he attended had been abandoned by their families, and quite a few were dying. Where once he had felt only fear and revulsion, eventually he began to experience compassion and tenderness.”

Mas lumala pa ang kumakalat na pandemya. Napuno ang ospital ng mga Heswita kung saan nagtratrabaho si Aloysius. Ngunit mas naging masigasig ang nobisyo sa pag-asikaso sa mga maysakit at abandonado. Siniguro niyang may mahihigaan na kama, hustong gamot at pagkain ang bawat isa. Nag-alay siya ng panalangin at konsuwelo sa tanan. Pero di nagtagal, nahawa at nagkasakit din si Aloysius at pumanaw noong Hunyo 21, 1591.

Pinatunayan ni Aloysius na malasakit ang kailangang maghari sa panahon ng krisis. Giit ng Simbahan, angkop at napapanahon ang kwento ni San Aloysius Gonzaga “the man who overcame his fear of the sick and the dying and became the most kind-hearted nurse.”

San Aloysius Gonzaga, Ipanalangin Mo kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.