Una sa Balita

Maghari muna tayo sa Asya

0 317

HABANG ginagawa ko ang kolum na ito, kasalukuyan nang nakikipagduwelo ang ating Gilas Pilipinas sa world No. 3 ranked Serbia para sa ikalawang laban natin sa 2019 FIBA World Cup sa Foshan, China.

Sariwa pa tayo mula sa 108-62 pagmasaker ng Italy sa unang asignatura ng Nationals nitong Sabado, kung natalo rin tayo kagabi kontra Serbia ay gudbay na tayo sa pag-usad sa next round ng torneo.

Anuman ang kahinatnan ng Team Pilipinas sa World Cup, magpasalamat na rin tayo.

At least magagamit ulit natin itong learning experience sa mga susunod na international basketball tournaments.

Siguro mas tumutok tayo sa pagiging No. 1 sa Asya. Kasi dito ay malaki ang ating tsansa na mabawi ang paghahari sa basketball.

Sa World Cup at sa Olympics, aminin na natin na ‘hilaw’ pa tayo.

Magpahinog pa tayo ‘ika nga. Hindi kailangang magmadali kaysa naman mapahiya lang tayo sa international stage.

***

Marami ang nananawagan, karamihan mga netizen, mga basketball fanatic o mga nang-uurot lang talaga, na palitan na daw si Andray Blatche at alisin sa Gilas Pilipinas.

Mayroon ding iba na nananawagang ibalik na sina Calvin Abueva at Terrence Romeo.

Mayroon ding nagsasabing mahinang coach si Yeng Guiao.

‘Yan tayo eh, bago ang laban puro tayo #PUSO! ‘Pag natalos na #NGUSO, nguso nang nguso kung sino ang dapat sisihin sa pagkatalo ng Gilas.

Ganun yata talaga ang mga Pinoy, lahat nagiging basketball analyst at expert kapag nagki-kritisismo.

Ako man, nagki-criticize din, normal naman ‘yun sa tao lalo na may nakita tayong mali.

Pero sa oras na ito, hindi tama ang magturuan o magsisihan, kung nanalo naman ang Gilas damay tayong lahat sa karangalan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More