Una sa Balita

Maghanap ng taong may ‘k’

0 573

Dear Dra Holmes: (shortened July 22 letter)

After 17yrs ngaun ko lng nlaman na invalid pla ang kasal nmin kc po nagpakasal pla cya s una. Pero wala npo cla nung babae nsa amerika npo. secret marriage…ang skin lng po kc nsaktan aq dhil di nya sinabi ang totoo sa iba ko p po nalaman. nawawala ang tiwala ko knya pero mahal ko po cya. mag dalawa npo kmi anak ngaun. (gusto ko) po maka move on aq . naaapektuhan npo kc ang mga anak ko. Ofw po ang asawa ko ngaun. kaya di po kami makapag usap ng maayos. Ayoko po muna makipag usap sa abogado. MARIZ

Dear Mariz:

Maraming Salamat sa sulat mo na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Lunes, Hulyo 22. Doon, inulit ko ang sinabi ni Bob Marley: Lahat ng mahal natin ay masasaktan tayo. Ang mahalaga ay maghanap ng taong may “k” (karapatan) saktan tayo, dahil siya ay mabait, o maalaga sa iyo, o binibigyan ka ng napakalaking kaligayahan at kasiyahan.

Mariz, ang mapapayo ko lang sa iyo ang ibang pananaw sa sitwasyon na maaaring tama para sa iyo. Kung di mo feel, at wala ka nang ibang paraang makita ang ginawa ng asawa mo kundi sama ng loob, atbp. then, tingnan mo talaga ang magagawa ng abogado, ok?
Pero for right here and right now, kausapin mo siya. Kung malapit na siyang bumalik sa Pilipinas at kaya mong maghintay, maghintay ka nalang hanggang makabalik siya, kasi ang hirap mag usap ng napakamaselan kung sa telepono/skype/facetime lang.

May pag asa pa ako na maaaring hindi niya sinadyang magsinungaling sa iyo. Masama ang nangyari, totoo yun, pero minsan, at baka ito ay isa sa mga minsan na yan—mayroon tayong hindi sinabi na masama nga na hindi natin sinabi kaagad—pero mayroon tayong dahilan na maiintindihan (ng iba kung bakit di natin sinabi).

Nakoooo, sana patawarin mo ako, Mariz na, akala ko matatapos na tayo ngayon, pero hihingi ako ng paumanhin kung puwede, isa nalang na kolum tungkol sa problema mo (sa Biyernes) mayroon sana kong halimbawa na gustong i-share sa iyo na, sa palagay ko, makakatulong rin. Ingat at Salamat (inaasahan ko na pinatawad mo na ako for the extra kolum sa Biyernes)—MG Holmes

Si Dra Holmes at nagsusulat sa Abante sa Lunes, Miyerkoles at Biyernes. Sulatan siya sa Facebook ni Dr. Margarita Holmes

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy