Una sa Balita

Maghain ng ‘offer of payment’

0 496

Dear Atty. Claire:

Good day attorney.

Nakuha ko po ang email address niyo sa abante.com.ph
Gusto ko po sana magtanong at humingi ng advice.

May na-loan po kasi ako last April 2017 sa online lending company. P8,000.
Hindi ko po agad nabayaran sa araw ng pagbabayad, dahil nu’ng time na ‘yun gipit na gipit talaga ako. Then after one month nakapaghulog ako ng P2,000 para sa loan. Kaso ‘yung len­ding company po sinisingil na ako ng 13,000 plus at gusto po na bayaran ko ng buo. Eh hindi ko po kaya magbayad ng ganu’n kalaki, ang kaya ko po installment.

Hanggang sa napabayaan ko na po ‘yung loan, then may nagte-text po sa akin na magpa-file daw ng case at magkaka-record daw po ako sa NBI.

Ngayong araw may tumawag daw po sa opisina (naka-leave ako) taga-Manila Bulletin daw po sabi ipa­publish daw ako na may violation sa RA 8484 Article 354.

Gusto ko lang po ma­laman kung totoo po ba na nilalagay sa diyaryo ‘yung mga ganu’ng case?

Nangangamba ako dahil makakasira po ito sa reputasyon ko.

Ano din po ang dapat kong gawin kung ayaw nila pumayag na installment ang pagbayad, gusto isang bagsakan, hindi ko po kaya ‘yun.

Sana po matugunan niyo ang katanungan ko.

Thank you po,
Nicai

Ms. Nicai,

Ang hindi pagbaba­yad ng utang at tunay na kasiraan ng repustayon ng isang tao kaya’t bago pa man mangutang ay dapat handa na tumapad sa obligasyon ng pagbabayad sa oras. Huwag sirain ang tiwala ng nagpautang.

Noong handa kang magbayad ng hulugan at ayaw nilang pumayag ay dapat na nagpadala ka na ng sulat na nagsasabi ng OFFER OF PAYMENT mo sa paraang kaya mo at kung ayaw pa rin ay nagpatulong ka na sa abogado upang makapagsampa ng Petition for Consignation  upang sa korte na kayo mag-usap para ma ideposito ang bayad sa korte upang hindi na lumaki pa ang interes.

 Sa nangyari sa iyo ay pinabayaan mo kaya? Tuloy-tuloy ang takbo ng interes ng utang mo hanggang ngayon.  

Kung ikaw ay kinasuhan na ay dapat na may nabigyan ka na ng subpoena para sumagot sa kaso at kung wala pang kaso ay hindi nila basta-basta ma-publish ang pangalan mo sa diyrayo. Hindi pumapayag ang mga kilalang diyaryo sa mga harassment ng mga collecting agency.

Sa ngayon ay makipag-ugnayan ka ng personal sa lending company kung alam mo ang opisina upang ipabatid ang pla­nong pagbabayad. Mas mainam na may sulat kang ipapa-receive para may ebidensya ng planong pagbabayad. Hindi nila masasabi na manloloko ka at umiiwas sa obligasyon.  Kapag hindi pumayag ay saka ka na dumulog sa korte katulad ng sinabi ko upang makaiwas sa mas ma­laking interes.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/ 922-0245 o mag-email saattorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy