Una sa Balita

Maghahari ang ‘drug lords’ sa Barangay elections – Duterte

By
0 58

Nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte na mamayagpag ang impluwensya at pera ng mga ‘drug lords’ kung matuloy ang halalan sa Barangay level sa Oktubre.

Ito ang depensa ng pangulo sa batikos sa kanya hinggil sa pangalawang postponement ng barangay elections.

Sa halip, iminungkahi ni Duterte na mag-appoint na lamang ng officer-in-charge (OIC) Chairman upang maiwasan ang pagmanipula gamit ang drug money.

 “Kasi kung mag-election tayo, ang mananalo ang drug lords. The 40 percent of our barangay captains who are contaminated and about almost 600 municipal mayors. Drug money will rule the day and you put in peril the coming elections ngayon local pati national,”giit ng Pangulo.

Nangangamba rin si Duterte na sakaling matuloy ang barangay election ay tiyak na mapupuwesto ang mga barangay officials na sangkot sa iligal na droga at patuloy ang pamamayagpag ng drugs sa mga komunidad.

Sinabi ng Pangulo na kinausap na niya sina Senate President Koko Pimentel, House Speaker Pantaleon Alvarez at Congressman Rudy Fariñas sa kanyang posisyon sa barangay election.

“Kinausap ko si Koko pati si Speaker, pati sila Rudy, lahat ng mga congressman. Huwag kayong magka-mali because ang status ngayon ng barangay captain, ni hi, ni ho, wala. There’s no such thing as a hold over. It is not provided in the Constitution, but because sabi ko, ‘wag mag-election ngayon.’ Bakit? Maghanap na lang kayo ng paraan,”anang Pangulo.

 “… and we can accredit all, all civic organizations, pati simbahan, to recommend, to come up with a three or two, three. Tapos i-appoint upon the recommendation para automatic na lang. Whoever is the appointing authority… Who is the President… Wala, wala tayong piliin. So it’s going to pass a grid somewhere there,”paliwanag pa nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy