Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maghabol kayo sa SC! 3 BBM DQ binasura

0 142

Tuluyang naabsuwelto sa isinampang disqualification si dating senador at ngayo’y nangungunang presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. matapos ibasura kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong inihaing motion for reconsideration.

Ang apela ay ginawa ng petisyuner na humihiling na madiskuwalipika si Marcos Jr. sa May 9, 2022 presidential race.

Nabatid na ang desisyon ay inilabas ng Comelec En Banc, isang araw matapos ang matagumpay na pagdaraos ng halalan sa bansa.

Ayon sa desisyon ng en banc, kinatigan nito ang naunang resolusyon na na inilabas noong Pebrero 10, 2022 at nagbabasura sa inihaing disqualification case laban kay Marcos Jr.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner George Garcia na maaari pang iapela ng mga petisyoner ang kaso sa Supreme Court (SC).

Samantala, sa partial at unofficial tally, hanggang alas-11:02 ng umaga ng Martes, ay umaabot na sa 97.07% ang total election returns (ERs) na naiproseso habang ang botong pumasok ay 54,595,236 na mula sa rehistradong botante na 67,442,616.

Patuloy pa rin namang nangunguna si Bongbong sa botong 30,774,599.

Malaki naman ang lamang ni Marcos sa pumapangalawang si Vice President Leni Robredo na may 14,686,902 boto lamang. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.