Una sa Balita

Magdyowang tulak-bugaw, dinakma sa Bulacan

By
0 4

Limang katao kabilang ang isang mag-asawang wanted sa droga at pambubugaw ng mga babae ang dinakip ng Plaridel police makaraang salakayin ang kanilang tirahan na ginagawang drug at prostitution den at makumpiskahan ng droga at shabu paraphernalias sa Marygrace Subdivision,Barangay Sto.Nino,Plaridel,Bulacan kamakalawa.

Kinilala ni P/Supt.Andrew M. Aguirre,Plaridel police chief,ang naarestong sina Reivi Talingdan y Surio,34,kanyang misis na si Maria Talingdan y Aquino,36, kapwa ng Lot 1,Block 1, Hope St.,Marygrace Subdivision, Barangay Sto.Nino, Plaridel; Diane Paye Enriquez, 23, dalaga, entertainer, ng Barangay Sipat,Plaridel;Grace Tarrayo,22,ng Barangay Liciada,Bustos at Ronalyn Roberto, 36 ng Planas st, Gagagalangin,Tondo, Manila.

Nakuha sa raid ang dalawang medium size na pakete ng shabu na may timbang na walong gramo, ilang walang laman ng pakete ng shabu residue,mga drug paraphernalias at container na may lamang 22 piraso ng aluminium foil strip kungsaan sinampahan na ng kasong kriminal ang mga naarestong mag-asawa at tatlong babaeng ibinubugaw ng mag-asawa.