Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowang tinedyer, baby todas sa sunog

0 225

Patay ang isang sanggol pati na ang tinedyer niyang magulang sa naganap na sunog sa Caloocan City sa pagpasok ng Bagong Taon.

Sa ulat, nasawi ang mag-live in partner na kapwa 19-anyos at 5-month old nilang baby boy sa sunog sa Malonzo Compound, 4th Avenue, Barangay 49 alas-4:20 ng madaling-araw kahapon.

Ayon sa mga bumbero, nabungaran nila ang bangkay ng ina na nakayakap sa kanyang baby sa loob ng banyo, na kapwa nasawi sa suffocation.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.