Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowang rider pisak sa trak

0 65

Malagim ang naging kamatayan ng mag-asawang rider matapos salpukin ng truck ang sinasakyan nilang motorsiklo at sabay silang nadaganan sa provincial road sa Majayjay, Laguna noong Huwebes.

Agad na nasawi dahil sa tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Vincent at Diovelyn Favino, mga residente sa bayan ng Lucban, Quezon.

Sa report ng Majayjay police, galing sa Quezon at patungo sa Maynila ang truck para mag-deliver ng mga kargang gulay nang gumewang umano ito pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway sa Barangay Panglan at tuluyang nasalpok ang motorsiklo ng mag asawa.

Tuloy-tuloy umano na tumagilid ang truck na minamaneho ni Rolando Racelis, ng Lucban, Quezon, hanggang matumba ito sa kaliwang bahagi ng highway at nadaganan ang mag-asawa.

Tumagal pa umano ng isang oras bago naalis sa pagkakaipit ang katawan ng mag-asawa sa ilalim ng truck.

Dinakip ng pulisya si Racelis at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to properties. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.