Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowang rebelde sumuko sa PNP

0 211

Sa kagustuhang makasama ang pamilya, nagpasya nang sumuko sa pulisya ang mag-asawang kapwa may katungkulan sa New Peoples Army sa CARAGA Region, ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Kinilala ang mag-asawang sumuko sa mga alyas na Wendel, 37, isang full time member ng Sub-Regional Committee (SRC) 3, Guerilla Front (GF) 4A sa ilalim ng North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) na may posisyong Team Leader at kinakasama nitong si alyas An-an, 32, squad medic ng SRC-3 GF4A ng kaparehong Regional Committee.

Ang mag-asawa ay sumuko nitong Pebreo 12 sa mga tauhan ng 1304th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Batallion (RMFB) 13 at 1st Agusan del Norte Provincial Mobile Force Company.

Si alyas Wendel ay kapatid ni Jealan Pinakilid alyas Baking, ang commanding officer ng GF4A ng NPA na nag-ooperate sa Agusan del Norte at ilang bahagi ng Misamis Oriental province.

Sa ngayon ay kasama na ng mag-asawa ang kanilang pamilya at maari nang mamuhay ng normal na hindi nila makakamit kung patuloy silang nasa Samahan at nagtatago sa kabundukan. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.