Una sa Balita

Magdyowang Pinoy nurse sa US na nang-harass ng pasyente inasunto

0 298

Kinasuhan ang magkasinta­hang Pinoy nursing worker dahil sa umanong pangha-harass sa isang 91-anyos na may dementia sa isang nursing home sa Glenview, Illinois.

Inaresto ang magkasintahang Jamie Montesa at Brayan Cortez at kinasuhan ng disorderly conduct matapos kumalat ang isang video clip mula sa Snapchat kung saan ay binully umano ng dalawa at nilait si Margaret Collins.

Kinunan umano ng video ni Cortez ang insidente at nilagyan ng caption na: ‘Margaret hates gowns’ at may kasamang tumatawang emoji.

Sinuspinde ng anim na araw ang magnobyo bago pumasok sa eksena ang mga awtoridad.

Nitong Agosto ay kinasuhan ng pamilya Collins ang dalawang Pinoy sa Cook County Circuit Court dahil sa paglabag sa Illinois Nursing Home Care Act, negligence, at intentional infliction of emotional distress.

Pero depensa ni Cortez, nakiki­paglaro lamang umano siya kay Collins habang sinabi naman ni Mon­tesa na ipinadala lamang niya ang video sa mga kasamahan sa trabaho at hindi ipinost sa Snapchat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy