Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowang Fil-Canadian 2 beses wagi sa lotto

0 82

Walang lugar ang kamalasan sa buhay ng mag-partner na Pinoy sa Canada matapos silang manalo sa dalawang magkaibang lotto draw sa loob lang ng pitong buwan.

Noong Setyembre ng nakaraang taon ay nagwagi sina Liezl Panganiban at Edgar Ebreo ng P24 milyon sa 6/49 lotto sa Canada.

Tapos, kamakailan lamang ay bumili si Ebreo ng isang Set for Life ticket sa isang 7-Eleven store sa kanilang lugar. Pag-uwi niya ay ini-scratch ni Panganiban ang nasabing ticket at nadiskubre nila na kanilang napalanunan ang winning combination.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tumataginting na P31.5 milyon ang napalanunan ng dalawa.

Ayon sa mag-partner ay gagamitin nila ang mga salapi upang bayaran ang kanilang mga hinuhulugan at upang makapagbakasyon ang kanilang pamilya. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.