Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowang aktor muntik makulong

0 85

Muntik makulong ang dalawang aktor na ito dahil sa paglabag sa safety protocols nung nasa Alert Level 3 pa ang NCR.

Dahil sa napasok nilang sitwasyon ay nabuking tuloy na may relasyon sila.

Produkto ng mga TV contest ang dalawang aktor. ‘Yung isa ay contest ng papogian at ’yung isa ay contest sa sayawan.

Magkasamang nagtayo ng pares resto ang dalawa. At noong opening, lumagpas ang bilang ng mga imbitado kahit alam nilang bawal pa ang big gathering. Dahil dito, naalarma ang ilang residente na nakatira malapit sa nagbukas na resto nila.

Sey ng aming source: “Hindi na sila natuto. May pandemya pa, nagpapa-party sila. Namuno d’yan ay ’yung dalawang aktor na feeling ko may relasyon sila. Kasi di raw mahiwalay sa isa’t isa. Wala silang social distancing!”

Nung dumating ang mga tanod ng barangay para i-disburse ang crowd, hinanap kung sino ang nagpasimuno ng pagtipon. Tinuro ng mga bisita ang dalawang aktor na nag-invite sa kanila.

Sumama naman daw nang maayos ang dalawang aktor sa barangay hall para magpaliwanag. 

Chika ng source: “Kinakabahan ’yung isang aktor dahil baka makulong daw sila. Sey naman nu’ng isa, ‘Babe, don’t worry. Ayusin natin ito.’ Di ba? Babe ang tawagan nila, e, ang lalaki ng mga katawan nila! So, confirmed na magdyowa sila!”

Nakiusap daw ang mga aktor na huwag na silang ikulong. Magbayad na lang daw sila ng fine sa nangyari. 

Ang naging desisyon ng barangay ay walang kulong, pero may community service na gagawin ang dalawang aktor. Bibigyan din sila ng swab test pati na mga bisita nila. Mag-quarantine sila for 14 days at ang restaurant ay isasara for 30 days.

Sey ng source: “Walang choice ang dalawang aktor kundi pumayag kesa naman makulong pa sila. Ang kikinis pa naman nila. Gagalisin silang magdyowa sa kulungan dahil sa pagiging pasaway nila.” (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.