Una sa Balita

Magdyowa timbog sa buy-bust

0 229

BAGSAK sa kulungan ang isang babaeng drug pusher­, kasama ang kanyang nobyo sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, kahapon nang madaling-araw.

Sa report ni P/Capt. John David Chua ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan Police, kinilala ang mga nadakip na sina Geraldine Flores, 38-anyos, at Edward Ortiz, kapwa ng Brgy. 178, Camarin ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Capt. Chua, bandang ala-1:30 nang madaling-araw, nagsagawa sila ng buy-bust operation sa kahabaan ng Phase 6 ng nasabing barangay.

Layon ng mga ito na mahuli si Geraldine na kila­lang-kilala sa pagiging drug pusher sa kanilang lugar.

Nagsilbing poseur buyer si PCpl. Jimmel Mayhay at umiskor ng shabu ng halagang P500, saan naroon din sa lugar at kasama ng babae si Edward.

Makaraan ang transaksiyon, sumenyas na si PCpl. Mayhay at inaresto na ang magdyowa saka pinosasan.

Nakuha sa dalawang suspek ang walong sachet ng shabu na aabot sa 40 gramo na may market va­lue na P272,000.

Kinasuhan sa paglabag sa kasong RA 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy