Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowa tigok sa puno ng niyog

0 133

Patay ang isang mag-asawa matapos silang mabagsakan ng lumang puno ng niyog na lumagapak sa kanilang bahay sa Mandaue City, Cebu kamakailan.

Kinilala ang mga biktima na sina Benjie Geducos, 43-anyos at asawa nitong si Rizalda, 45-anyos ng Brgy. Basak, Mandaue City.

Ayon kay Fire Officer 1 Riel Denura ng Mandaue City Fire Office, natutulog ang mag-asawa nang bumagsak ang lumang puno ng niyog sa tabi ng kanilang bahay, lumagapak sa kanilang bubong at nadaganan sila bandang ala-una ng hapon noong Miyerkoles.

Aminado ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na nabubulok na ang puno at bahagya na itong nabunot sa lupa nang manalasa sa bansa ang bagyong ‘Odette’ noong Disyembre ng 2021.

Napinsala rin sa pagbagsak ng puno ang katabing bahay ng mag-asawa pero wala naman ditong nasaktan. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.