Una sa Balita

Magdyowa sabay na nalaglag sa falls, todas

0 533

Sabay na namatay ang sinasabing magdyowa nang mahulog ang mga ito sa falls sa Talisay, Batangas kahapon ng tanghali.

Kinilala ang Talisay police ang mga biktimang sina Raymond at Nicole.

Batay sa report ng Talisay police, nangyari ang insidente sa Ambon-Ambon falls sa Sitio Camantigue, Barangay Tumaway.

Sinasabing nakaupo ang mag-live in sa mga sandbag na nasa gilid ng falls nang aksidente itong bumigay.

Bunga noo’y nawalan ng panimbang ang dalawa at magkasamang nalaglag sa mga batuhan sa ilalim ng falls.

Dahil sa tinamong matinding pinsala ay agarang nasawi ang magdyowa.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More