Una sa Balita

Magdyowa pinatay sa bahay

By
0 89

Dalawa ang patay sa pamamaril sa Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga ­nasawi na sina Rodalyn Marcilliana, 31-anyos at Marlon Nodalo, kapwa residente ng Southville 6, Barangay Kay Anlog, Calamba City.

Batay sa imbestigasyon ng Calamba police, dakong alas-11:00 nang ratratin ang dalawang biktima sa loob ng kanilang bahay ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa testigong si Francis Lopez, kapitbahay ng mga biktima, ­nakarinig siya ng tatlong magkakasunod na putok mula sa bahay ng mga ito at ng kanyang tingnan ay nakita niyang patay na ang mga biktima.

Anggulong love triangle ang sinisilip ng mga pulis sa insidente.

Samantala patuloy pa ang imbestigasyon at ina­alam kung sino ang suspek sa krimen.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy