Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowa nagkabahay sa lasing na BFF

0 82

Natupad ang dream house ng isang mag-asawa dahil sa lasing na kaibigan nila.

Kuwento ng netizen na si Celyn Ramos, nawalan na siya ng pag-asa na makuha ang pinapangarap na bahay dahil laging tablado ang bank loan niya dahil sa may binabayaran pa siyang sasakyan.

“Wala kase sila Pag-ibig for this unit. That time, I was not married yet to my husband so I can’t make him as my co-maker. All the banks I applied, either declined or di enough ung approved amount. In house loan has high interest rate so definitely not an option for me,” ani Ramos.

Isang kaibigan daw nila ang nagtanong tungkol sa status ng bahay nila at sinabi niyang hindi na siya umaasa na makukuha pa ito hanggang sa malasing ang una at nangakong babayaran nang buo ang kanilang dream house.

“On our wedding day (2 months ago), our friend asked us the status of our house, I told him we are no longer hoping we can keep the house… Then he got drunk… Like really drunk… And he said, give me few days and i will give you a cheque worth the price of the house so you can pay in cash….”

Hindi raw siya naniwala sa pangako ng kaibigan dahil baka lasing lamang ito pero seryoso pala ito.

“Few days after, we met again. He gave us a cheque… An effin cheque to pay our house in full. Of course as a loan, but with the lowest interest (1%) possible that even a bank, pag-ibig or inhouse loan cannot offer. And now, here we are. With our own house. Thanks to our Guardian Angel, our fairy Godfather, our friend,” masayang kuwento ni Ramos sa Facebook post. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.