Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowa nag-break dahil kina VP Leni, Bongbong

0 174

Walang forever!

Ito ang pinatunayan ng isang binata at isang dalaga na tatlong taon nang magkasintahan matapos humantong sa hiwalayan ang kanilang simpleng pag-uusap tungkol sa politika.

Kumalat sa social media ang pinost na mga screenshot ng Facebook Messenger conversation ng nobyo na si Andro June at ng kanyang nobya.

“The supposed-to-be open discussion debate turns into breakup!!” caption ni Andro.

Ano ang topic ng dalawa? Ang mga presidentiable na sina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos.

Base sa screenshot, suportado ni Andro si Robredo samantalang kay Marcos naman pabor ang nobya.

Related Posts

Subalit ang simpleng usapan ay nauwi sa mainit na sagutan at pagtatalo hanggang sa magsimulang magmura ang nobya at makipag-break. Natatawang tinanggap naman ito ng lalaki.

“Tinanong ko lang siya kung inaamin niya na may background at projects si Leni, nakipag-break na,” punto ng la­laki sa caption, sa wikang Cebuano. “Ni hindi mo pa nga ipinapadala sa akin ang mga argumento mo from TikTok, nakipag-break ka na agad.”

Tiniyak naman ni Andro sa mga netizen na okay siya.

“I’m okay hahaha. I think ‘di ko need ng tao na makitid ang ulo. Politics is politics pero kung break-an mo ko dahil dito edi g*guuuu,” pagtatapos niya.

Deactivated na sa ngayon ang account ni Andro matapos mag-viral ng kanyang FB post. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.