Una sa Balita

Magdyowa kami ni Aleck – Sheree

0 533

abante-anything-goes-jun-lalin

Kahapon ng mada-ling-araw ay nakita ko sa isang coffee shop sa Tomas Morato, Quezon City ang former Viva Hot Babes m­ember na si Sheree Bautista kasama ang former sexy actress na si Aleck Bovick.

Si Sheree, sobrang sexy pa rin dahil sabi nga niya ay, “Kailangang a­lagaan ang katawan!”

Si Aleck naman, aba, hindi ko kaagad nakilala dahil malaki na ang ipinayat niya. Noon kasi, sobrang lumaki ang da-ting sexy actress.

“Nag-Keto diet ako. Malaki na nga ang iniliit ko, pero kailangan pa magbawas,” sabi ni Aleck.

Sobrang close friends pala sina Sheree at Aleck dahil magkasama sila sa afternoon series ng ABS-CBN, ang “Kadenang Ginto.”

“Actually, mag-dyowa kami sa show. Tomboy kami,” sabi ni Sheree.

Galing nga raw silang dalawa sa thanksgi-ving party ng “Kadenang Ginto” dahil nakakuha na naman ng award ang kanilang series.

“Pero we need to leave kasi magdi-DJ ako diyan sa club, sa katabi lang nito. Alam mo na, kailangang rumaket nang rumaket,” sabi ni Sheree.

Kinumusta ko naman kay Sheree ang anak niyang si Haley.

“Eleven years old na. Ang bilis. Ang laki na rin,” sabi niya.

Kumusta naman ang tatay na si Gian Magdangal, nagbibigay ba ito ng support sa anak?

“Ok naman, he’s back from Japan,” sabi ni Sheree at sa pagkaka-ngiti niya ay mukhang friends naman sila ng tatay ng kanyang anak.

Masaya rin si Sheree at hanggang ngayon ay marami pa rin siyang raket at si Aleck naman ay umaasang tuloy-tuloy na naman ang kanyang pag-aartista.

Komedyante madalas atakehin ng depresyon

May mga nagsasabi na kung sino pa ‘yung mga madalas magpatawa ay sila ‘yung may malulungkot na pinagdadaanan. Noong araw pala, madalas na mag-complaint ang isang comedian na sumasakit ang dibdib niya.

Palagi raw masama ang pakiramdam ni comedian at akala ng mga malalapit sa kanya ay may sakit talaga siya, pero sabi ng isang singer na tumulong i-handle ang career noon ni comedian, ang sakit pala talaga nito ay depression.

‘Yung pagsakit daw ng dibdib ni comedian ay nasa isip lang pala niya at ang totoo ay epekto ‘yon ng depression na nararamdaman niya.

Jerome tinulungan ng fashion designer

Noong presscon ng “Finding You” ay ka-text ko ang fashion designer na si Avel Bacudio. Co-mana-ger kasi sa career ni Jerome Ponce na bida ng “Finding You” si Avel.

Marami nga ang hindi nakakaalam na ang fashion designer ang tumulong kay Jerome na makapasok sa ABS-CBN. Sabi ni Avel, nakilala niya ang tatay ni Jerome kaya tinulungan niya ito, pero mukhang wala namang balak ang fashion designer na mag-manage ng napakarami dahil busy rin naman siya at ngayon nga ay nag-aaral pa sa New York para mas lumawak pa raw ang kaalamanan niya sa fashion designing.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy