Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magdyowa, 1 pa kinalawit sa P3.4M shabu

0 81

Kalaboso ang mag-asawa at kanilang kasabwat matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Bocaue, Bulacan noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay P/Col.Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PNP, nahaharap sa kasong pag­labag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acr ang mga suspek na sina Jayson Falcon ng San Antonio at Edwardo Elgarlino at asawa nitong si Sarah ng Balintawak, pawang sa Quezon City.

Aniya, sinimulang sundan ng pinagsanib na puwersa ng PNP-Drug Enforcement Group (DEG) Special Operation Unit (SOU), PDEA Region 3 at Bocaue police ang mga suspek lulan ng isang SUV sa Quezon City hanggang sa Brgy. Duhat sa Bocaue, Bulacan kung saan ikinasa ang buy-bust operation bandang alas-9:20 ng gabi.

Dinakma ang mga ito matapos makaiskor sa kanila ang pulis na umaktong buyer ng shabu. Nasamsam sa kanila ang 500 gramo ng shabu na nakabalot sa brown at naka-tape na foil pack at tinatayang nagkakahalaga ng P3.4 milyon. May kasama pa umanong menor de edad na anak ang mag-asawang suspek nang damputin sila ng mga awtoridad. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.