Una sa Balita

‘Magdusa Kayo!’ – Maricel

Para sa mga artistang aktibo naba-bash sa social media

By
0 5,360

Obviously, nababalitaan ng Diamond Star na si Maricel Soriano ang mga artistang aktibo sa social media at kung paano, naiintriga, naiisyu, naba-bash at nagkakaroon ng kaaway ang mga ito. Habang siya, never raw talaga na nag-social media.

Sey nga niya, “Magdusa kayo! Hayan gusto niyo ‘yan. Hahaha! Ano ang sasabihin ko? Pupuwede namang wala ‘yan, eh ‘di mag-ano ka, mag-sign-off.”

Sabi naman namin kay Maricel, nakikita rin ba niya ‘yung advantage na hindi siya visible sa social media kaya naman parang palaging may mystery siya sa tao.

“Ay, gusto ko ‘yan! Maganda ‘yang mga mystery na ‘yan, gusto ko ‘yan. Kaya palagi kang nagugulat kapag nakikita mo ko, ako na pala.

“Kasi parang ang mga artista, ‘di ba, hinahangaan ng mga tao, nire­respeto, parang sina Tita Susan (Roces), Tita Gloria (Romero), ganun.”

Kahit naman daw dati, hindi rin siya pakalat-kalat, hindi raw siya mahilig maglalabas. Nasa bahay lang daw siya at kapag walang ginagawa, nanonood lang daw siya ng mga series sa Netflix.

Gugustuhin pa raw ba niyang magkaroon ng bashers sa edad daw niya ngayon.

“Gusto mo pa ba yun, sa edad kong ito? Ayoko. Ang importante sa akin, respeto. Ayoko ng binabastos ako ng ganun sa edad ko na ito. Tataasan ko na lang sila ng kilay.

“Kung dati pa siguro noong bata pa, pero ngayon, hindi na. Nakakahiya na.”

Ganun pa man, hindi man siya aktibo sa social media, hindi pa rin masasabing hindi updated si Marya sa mga ganap. In fact, aware rin siya sa mga bagong artista ngayon.

At tahasan nga niyang sinabi na “wala” nang tanungin namin kung sino sa mga artista ngayon, na ‘yung karamihan ay nagsasabing idolo siya ang nakikita niyang puwedeng maging next Maricel.

“Wala e, wala,” saad niya.

Though, katulad ni Angel Locsin na makakasama niya sa pagbabalik teleserye niya, ang The General’s Daughter sa ABS-CBN, isa raw ito sa mga young actresses ngayon na gusto niyang makatrabaho talaga.

Pero bago ang serye, mauuna munang mapanood si Marya sa Mother’s day offering ng Regal Films, ang My 2 Mommies kunsaan, first time siyang naidirek sa pelikula ng kaibigan/kapatid na si Eric Quizon at kasama niya rin sina Paolo Ballesteros at Solenn Heusaff.

***

Joem, Crisha 5 taon nang nagli-live in

Nasa ika-pitong taon na ang relasyon ni Joem Bascon sa girlfriend, ang model at nag-aartista rin na si Crisha Uy. Pero hindi raw sila naniniwala sa tinatawag na seven years itch.

“Parang hindi naman e, kasi minsan, okey na okey ang buong taon. Minsan sinasabi di kayo magiging okey ngayong taon, pero okey na okey kami.”

Inamin ni Joem na limang taon na silang live-in ni Crisha pero wala naman daw pumipigil sa kanya na magpakasal na sila. Hindi niya sinabing proposal na, pero binigyan na raw niya ng promise ring ang girlfriend. Gusto lang din daw niyang i-maximize ‘yung mga opportunities sa girlfriend at nakikilala na rin daw ito sa You Tube.

Pero sey niya, “Nagpaalam na rin naman ako sa mga magulang niya sa States at saka sa Cebu. So, may basbas na rin.”

Wala naman daw siyang keber sa mga ibang artista na nagli-live-in na pero hindi umaamin.

“Baka kasi iba ang situwasyon nila sa situwasyon namin ni Crisha. Hindi ako makapagsalita para sa ibang artista. Baka may pinapangalagaan silang image.”

Gusto namin ang aura ni Joem ngayon. Halatang relax lang ito. Katatapos lang niya ng The Good Son. Kasama rin siya sa based on real-life movie na Impossible Dream na dinirek ni Joven Tan. Ginampanan niya ang kuwento ng President ng buong Board Member sa Pilipinas na si Ferdinand Labung from rags to riches o success na kuwento nito.

Dumayo rin si Joem sa SM Pampanga nang magkaroon ito ng premiere night at hinihintay na lang din kung kailan maipapalabas nationwide. Bukod dito, kasama rin si Joem sa My 2 Mommies bilang bagong ‘boylet’ ni Paolo Ballesteros.