Una sa Balita

Magdoble ingat para iwas sakit

0 331

Dear Abante:

Nakakatakot po ang mga balita patungkol sa kumakalat ng human virus mula sa China na mala SARS po ang epekto. Matatandaang pumatay ng ng 800 na katao sa iba’t ibang bansa ang virus na ito. Kaya naman po ang panawagan ko ay mas maging maiangat ang mga awtoridad sa pagpapasok ng mga Chinese National sa bansa at iba pang mga nasyunalidad na galing sa China upang wala nang makapasok pa na may dalang virus.

Lalo na may kaso na rin ng naturang sakit sa Cebu. Mag-doble ingat po tayo lalo na maraming mga sakit ang kumakalat katulad ng polio at ngayon naman ay corona virus. Kung kakayaning mag-mask araw-araw upang hindi mahawa ay gawin natin ito. Muli mag-ingat po tayong lahat.

Trinidad Gabriel

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More