Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magbebenta ng Ivermectin hindi aarestuhin

0 57

Hindi muna ipatutupad ang direktiba kaugnay ng pag-aresto sa mga nagbebenta at gumagamit ng Ivermectin, ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herrera.

Ayon pa kay Herrera maglalabas ng bagong memorandum ang Malacañang kaugnay ng paggamit ng Ivermectin.

Nakipagpulong si Herrera kina Senator Christopher ‘Bong’ Go, Executive Secretary Salvador Medialdea, Presidential Management Staff (PMS) chief Ferdinand Cui Jr., PNP chief General Debold Sinas at Food and Drug Administration (FDA) Director General Eric Domingo noong Martes.

Nabatid na humingi ng tulong ang PMS sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng PNP upang arestuhin ang mga nagbebenta at gumagamit ng Ivermectin sa tulong ng FDA. (Billy Begas/Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.