Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magbabarkada laglag sa Marikina buy-bust

0 92

Kulungan ang bagsak ng tatlong magkakaibigan matapos mahuli sa ikinasang buy-bust operation at makuhanan ng shabu na nagkakahalaga ng P285,600 sa Barangay Fortune, Marikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronnie Red, 43; Joseph Ocampo, 30; at Anna Mae Gomez, 30.

Inaresto ang mga suspek sa Bayanihan Compound, Santan Street matapos makipagtransaksyon sa buyer ng Marikina station drug enforcement unit at PDEA.

SM food to go Banner Ad

Nakumpiska mula sa mga suspek ang anim na plastic sachet at isang medium size sachet ng shabu na nasa 42 gramo ang timbang at P500 buy bust money.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. (Vick Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.