Una sa Balita

Magaskawee panalo sa PHILRACOM-RBHS

0 313

NAGMASID bago gumawa ng hakbang si Magaskawee upang sikwatin ang panalo sa Philippine Racing Commission-RBHS race sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas Linggo.

Nirehistro ang impresibong 1:26.2 minuto sa 1,400 metrong takbuhan ng second choice na si Magaskawee upang biguin ang naliyamadong Avenue Shopper.

Pukpukan sa arangkadahan sina Mika Mika Mika at Blue Orchid subalit pagsapit ng far turn ay inagaw ni Avenue Shopper ang bandera.

Nakapanabayan ni Avenue Shopper na nirendahan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang winning horse na Magaskawee kaya hindi masyadong nakalayo ang una pagdating ng huling kurba.

“Nasulyapan ko gumalaw na ‘yung Avenue Shopper kaya sinundan ko agad mahirap na baka makalayo alam naman natin na magaling din na kabayo ‘yan,” saad ng hinete ng Magaskawee na si class A rider RM Garcia.

Umunat ang Australian horse na si Magaskawee sa rektahan at nagwagi ito ng dalawang kabayo ang agwat sa sumegundong Mount Bulusan habang pangatlong dumating sa finish line si Royal Jewels.

Nakopo ng may-ari ni Magaskawee ang halagang P10,000 mula sa PHILRACOM. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy