Una sa Balita

Magandang staff bawal sa opis ni cong

0 531

SINO daw itong miyem­bro ng Lower House ang pinagbawalang kumuha ng magagandang staff?

Nakarating sa impor­masyon ni Mang Teban na pawang hindi kagandahan ang nagtatrabaho sa tanggapan ni congressman.

Ayaw daw kasi ni misis na may magandang staff sa opisina ng kanyang mister.
Sunud-sunuran naman itong si congressman kaya puro walang kabuhay-buhay ang kinuhang staff na babae.

Inggit tuloy itong si congressman dahil ang mga katabi niyang kuwarto ay may mga nagtatrabahong magaganda at seksing staff na parang hinugot lang sa KTV bar.

Pintahan n’yo na. Ang kongresistang pinagbawalang kumuha ng magagandang staff ay yumaman sa dating puwesto at may letrang A sa kanyang apelyido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More