Una sa Balita

Magandang simula

0 283

Time flies so fast! Imagine, patapos na naman ang January and days from now, buwan na ng February.

I missed everyone last week. Medyo nag-a-adjust sa mga bagong schedule ng bagong shows ko sa aking mother network, ang Kapuso Network.

Thankful na laging nakaalalay ang GMA Artists Center (GMAAC) through my road manager, Ate Molly (Lasic), my manager Tito Manny (Vallester), at full support din sa akin sina Tito Lhar (Santiago), Tito Glenn (Regondola) at Tito Lito (Mañago) at ang aking pinakamamahal na magulang at mga kapatid.

Bongga ang pasok ng 2020 ko as I have two new shows namely: “All-Out Sundays” (aired every Sunday at 12NN) at “Bilangan Ang Bituin Sa Langit,” kasama ang dalawa sa hinahangaan kong veteran actresses, ang nag-iisang Superstar na si Ms. Nora Aunor at award-winning actress na si Ms. My­lene Dizon, mula sa direksyon ng dekalibreng direktor na si Ms. Laurice Guillen.
Indeed, maganda ang simula ng taong 2020 sa akin.

Congratulations sa bumubuo ng “All-Out Sundays.” Ang ganda ng feedback ng audience at winner din kami sa rating.

For three weeks, since it had its initial telecast last January 5, pumalo po ito ng bonggang-bongga sa ratings game. Panalo po kami, mga Kapuso. Salamat sa aming loyal Kapuso viewers. Asahan ninyo pong lalo pa naming pagbubutihin.

At sa mga nagtatanong tungkol sa “Bilangan Ang Bituin Sa Langit” kung kailan ito ipalalabas. As of the moment, wala pa pong sinasabi sa amin kung kailan ang exact date ng airing ng programa. Ang alam lang namin, ilalagay po ito sa Afternoon Prime ng GMA.

Since December, 2019, nagteteyping na po ang ibang cast, sina Ate Guy, Ms. Mylene, Zoren (Legaspi), Kuya Gabby (Eigenmann) at iba pa.

Nu’ng Monday, January 20 lang po ako nakaiskedyul ng aking first taping day with Yasser Marta. Yasser and I are both excited. First time naming mag-work together although magkakilala na rin kami. So hindi na kami estranghero sa isa’t isa.

Ako po kinakabahan, sobra pero at the same time, nai-excite. Mabigyan lang po ng chance to work with these amazing actresses—sina Ms. Nora at Ms. Mylene at direk Laurice and ama­zing cast—isang malaking karangalan na po sa akin.

Basta ipinapangako ko pong ibibigay ko ang lahat para masuklian ko ang tiwalang ibinigay sa akin ng network.

Ikukuwento ko po next Wednesday ang nangyari sa una kong pag-report sa set ng “Bilangan Ang Bituin Sa Langit,” ang TV a­daptation ng box-office hit movie nina Ate Guy at Tirso Cruz, III.

Until next week, mga Kapuso! Maraming salamat ulit at nandiyan pa rin ang aking dearest sunflowers na laging sumusuporta sa akin.

Sa lahat ng readers ng Abante, Abante TONITE at TNT, thank you so very much.

Ciao! Have a great Wednesday. Diyos mabalos saindo gabos. God bless!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More