Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magandang Pasko nangangamoy sa pagbuhos ng vacinne

0 197

Kumpiyansa ang Malacañang na matutupad ang inaasam na magandang Pasko ng mga Pilipino dahil sa dumadaming supply ng COVID vaccine na dumarating sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na marami na ang nakatanggap ng bakuna at positibo silang makakamit ang population target bago matapos ang taon.

Nalagpasan na aniya ng NCR Plus ang pinakamatinding pagsubok sa COVID at habang nadadagdagan ang mga nabakunahan ay lumalaki ang proteksiyon ng publiko.

“Yes confident pa rin po tayo for a better Christmas. We have exceeded the 10 million mark for vaccination, we have managed the COVID cases in Metro Manila Plus 8 na naging kuta talaga ng COVID-19,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.