Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maganda, seksi, mabait: Ivana bet dyowain ni Joshua

0 269

Waging-wagi! Panalong-panalo!

Ganiyan nga ang naramdaman ng mga fan sa pagsalang ni Joshua Garcia sa ‘Truth or Dare’ fund raising campaign ng ABS-CBN 2 para ipantulong sa mga biktima ng bagyong si Odette.

Bukod sa maraming tulong na cash (diamonds, stars ang tawag) na nakuha ng guesting na `yon ni Joshua, waging-wagi, panalong-panalo nga ang mga sagot ni Joshua sa ‘Dyodyowain o Totropahin’ segment nila.

Kaaliw rin ang mga sagot ni Joshua sa mga tanong ng mga fan, na may katumbas na premyo mula rin sa mga fan kapag ‘truth’ ang pinili niya. At siyempre, kapag ‘dare’ naman ay ginagawa rin niya ang mga hamon sa kanya nina Darla at Allora.

Pero, mas naaliw ang mga manonood kapag ‘dare’ ang eksena. Tinanong si Joshua kung ano ang text na binasa ni Joshua na hindi work related.

“Wala akong ka-text. Naghahanap nga ako ng ka-text,” sabi ni Joshua, na pinakita pa ang text inbox niya na ang laman ay puro mga reminder ng bangko.

Tinanong si Joshua kung sino ang gusto niyang maging ka-text mate o gustong tawagan na babaeng Kapamilya star? Sa halagang 1.3M diamonds, sinagot ni Joshua ang tanong. 

“Ka-textmate na ano lang, wala lang? Hindi naman ibig sabihin na kapag textmate, gusto mo na agad. Pero, to be honest, wala talaga. Pero, given a chance? Actually, ka-text ko na siya. Hahahaha!

“Naka-chat ko na siya before. Pero chat lang, walang malisya.

“Hindi kami nag-text ng matagal Mas tawag kami. Pero walang malisya.

“Si Ivana naka… Oh, sabi ko na, eh. Sabi ko walang malisya, eh.

“Before pa `yon… Pero, okey lang. Basta walang malisya.”

‘Bakit ka kinikilig?’ tanong ni Allora kay Joshua.

“Hindi ako kinikilig. Ayoko lang mag-isip ang mga tao na ano…

“Pero kasi, dapat gagawa kami ng content sa YouTube, pero sabi ko wala kasi ako palagi sa Instagram, so kinuha ko number niya. Tinawagan ko siya. Pero hindi natuloy ang content, kasi nagkaroon siya ng problema.

“Wala lang… Ganun lang…” sabi ni Joshua, na paulit-ulit sinasabing walang malisya.

Sa hamon na 1.5M diamonds, stars, inutusan nila si Joshua na tawagan si Ivana, siyempre hindi umatras ang aktor.

“Puwede ba message ko muna na tatawag ako? Kasi parang ang rude naman na bigla na lang akong tatawag,” pakiusap ni Joshua.

“Paano pag hindi siya nag-reply? So, hindi na natin siya tatawagan?” sabi ni Joshua.

Anyway, sinubukan din niyang i-message sina Janella Salvador, Daniel Padilla, para i-prank ni Joshua, sa utos na rin nina Allora at Darla.

Anyway, ‘yun na nga, tinawagan na rin ni Joshua si Daniel para i-request na mag-hello.

Nakakaaliw ang chikahan nina Joshua at Daniel, na ramdam mong close talaga silang dalawa.

“So, abangan na lang natin si Daniel, dahil magi-guest din siya dito.”

At siyempre, sumabak din sa ‘Dyodyowain, Totropahin’ si Joshua.

Si Ivana Alawi nga ang binanggit na pangalan,

“Siyempre dyodyodyowain. Men come on. Choosy ka pa ba? Mabait. Maganda. Sexy. Lahat sinabi na! Hahahaha!

“I mean, magiging choosy ka pa ba roon? Pero, hindi kasi lahat ng tao masasabi mo na parang magiging karelasyon mo. Parang may nakatadhana para ma-meet mo lang, para maging kaibigan mo. `Yun lang naman ang para sa akin,” sabi ni Joshua.

Heto pa ang ibang pangalan na nabanggit:

Alexa Ilacad (tropa niya, kaya puwedeng dyowain.

Loisa Andalio (tropa na lang, naging dyowa na kasi niya).

Siyanga pala, inamin ni Joshua name-miss na rin niya ang may nilalambing. Pero mas gusto raw niyang magtrabaho muna ngayon.

Inamin niyang nagkaroon din siya ng trust issue, pero hindi raw niya sinasara ang pinto, dahil mas masarap daw magmahal.

Sabi niya, nagiging best version ng sarili niya siya, kapag in love siya. Pero ngayon na wala siyang dyowa, masaya raw siya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.