Una sa Balita

Mika habulin ng mga DOM

Maganda, makinis, mabango:

By
0 1,238

Sa edad na 20, lutang na lutang na ang kagandahan, kaseksihan ni Mika dela Cruz. Sabi nga, taglay kasi ni Mika ang mga katangian ng isang babae na inaasam-asam ng kahit sinong lalake.

Magandang mukha, makinis na balat, at siyempre pa, mabangong-mabango.

Kaya naman, sa guesting niya kamakailan sa ‘Abantelliling’, ang Abante News Online show namin ni Rey Pumaloy, inamin din niya na nagugulat siya, na may mga lalakeng sobra-sobra na ang katandaan, na nagkaka-interest sa kanya.

“Actually marami po talaga. Minsan sa social media. May mga creepy na tao, na nagsasabi na gusto nga nila ang kulay ng skin ko, pero sa lahat naman yata, kahit hindi maputi, na basta babae, gusto nila na ano.

“Sa akin marami ang nagmi-message sa Instagram na nakakabastos ang mga sinasabi nila. May mga weird na nagsi-send ng mga photo nila na nagugulat ako.

“Dahil sa social media, marami nga kasi ang nagpa-follow sa amin, kaya pag ganun na, bina-block ko na lang. Minsan mga matatanda pa talaga, na parang nakakatakot ang sinasabi.

“Madalas mga foreigner talaga. Nagugulat nga ako, bigla na lang silang nagmi-message. Nagtataka nga ako, saan kaya nila nakikita ‘yon?” bungad na kuwento ni Mika.

So, nakakatakot pala ang sitwasyon niya na madalas pinag-iinteresan ng mga DOM?

“Talaga ba? Nakakatakot naman!

“Pero, wala naman nakakalapit sa akin. Salamat naman at wala talaga.

“Hindi ko rin kasi sinasagot ang mga nagcha-chat sa akin. Baka nga siguro kung nire-reply-an ko sila, baka umabot sa ganun ang sinasabi nila. Mabuti na lang wala talaga,” sagot niya.

Marami nga ang nagsasabi na sa itsura ni Mika, mukha itong supladita, na mahirap lapitan ng mga fan?

“Opo, marami ang nag-aakala na ganun ako, suplada. Sa YouTube account ko nga, naipapakita ko ang other side ko, kung ano ako, at nagugulat sila na hindi naman daw pala ako suplada.

“May Q and A v-log ako, at sabi nila, bakit daw parang boyish ako, na suplada ako. Pero hindi naman daw talaga pala, kasi ma-chika naman daw pala ako.

 

Inuulan ng death threat:
‘Maraming nananakot. Salamat at buhay pa naman kami’

Siyanga pala, isa pa sa nakakagulat na kuwento ni Mika sa Abantelliling ay ‘yung madalas palang malagay sa ala­nganin ang buhay niya, o ng pamilya niya.

Si Angelika dela Cruz, na ate nga ni Mika ay Barangay Captain sa lugar nila. At ‘yun nga ang iniisip ni Mika na dahilan kung bakit ganun ang sitwasyon nila.

“Sa akin hindi naman ako takot sa mga ganiyan. Ang family ko kasi nasa politics, kaya parang sanay na ako.

“Palagi nila akong pinapagalitan, kasi madalas nga naglalakad ako na mag-isa. Eh, may mga death threats nga kami. So, bawal talaga ako luma­bas.

“Ako kasi naniniwala na pag may mangyayari sa iyo, may mangyayari sa iyo.

“Seryoso talaga ang mga death threat, kasi may mga nanakot po talaga sa amin. Minsan nga nasa isang mall lang ako, sa local mall sa lugar namin, bigla na lang akong sinundo ng mga pulis, kasi may mga nag-alert daw sa kanila na aanuhin daw ako. So, nataranta sila.

“Hindi ko alam kung bakit ganun. Delikado talaga ang buhay namin, si Ate nga ilang beses na rin napahamak. Muntik na siyang masaksak noon.

“Feeling ko ganun talaga na pag hindi nila matamaan ang politiko mismo, ‘yung pamilya ang inaano nila.

“Pero sa amin sa barangay, okey naman. Tahimik naman. Nakakakaba lang pag eleksi­yon. Doon kasi lumalabas ang mga inggit, kumpe­tisyon.

“At mabuti naman kasi hanggang ngayon buhay naman kami. Okey naman kami.”

So, plano rin ba niyang pasukin ang politika?

“Hindi ko pa alam, pero sa nakikita ko ngayon nagi-enjoy naman ako. Masaya kasi mahilig ako sa mga tao.

“So, baka rin pasukin ko in the future. Tingnan na lang natin.”

Bakit gusto nila ang politika?

“Si Kuya kasi ang nag-start ng politika sa buhay, eh, namatay nga siya. So, parang sinalo ng daddy ko, tapos sinalo ni Ate. Pag ganun kasi ang feeling namin may koneksiyon pa rin kami sa kuya ko, na alam naming natutuwa siya na tinutuloy namin ang mga pangarap niya, mga pinaghirapan niya.

“Yun kasi ang gusto niyang gawin talaga. So, ipagdasal na lang natin kung ano talaga ang mangyayari, na maging safe na lang palagi kami.”

 

‘Si Nash ang first boyfriend ko. Aprub siya sa family ko’

Pero ‘yun na nga, sorry na lang sa mga naghahangad sa puso ni Mika, dahil masaya na nga siya sa piling ni Nash Aguas. At oo, aprub ng pamilya niya si Nash bilang first boyfriend niya.

“Opo, aprub sa family ko.

“Proud naman ako sa relasyon namin.

“Kami ni Nash magkababata talaga kami, simula 6 years old nasa amin na siya. Kilala na siya ng family namin.”

Madrama nga ang naging pagsagot niya kay Nash, na idinaan niya sa 15 pahina na sulat.

“Matagal ­siyang nanligaw sa akin. Almost 2 years siyang nanligaw sa akin.

“Nitong October ko pa lang talaga siya sinagot. Nung campaign ni Ate nanliligaw pa lang si Nash sa akin noon.

“At opo, never akong nagka-boyfriend talaga at si Nash ang first ko. Hindi pumapa­yag si Ate na magka-boyfriend ako noon. So, si Nash talaga ang first boyfriend ko.

“Simula nu’ng bata siya, sinasabi na niya na gusto niya ako. Palagi ko siyang inaaway noon. At medyo na-friendzone ko siya noon.

“Pero ‘yun nga, matiyaga rin kasi si Nash. At mabait naman talaga.

“So, gumawa ako ng compilation ng mga pagsasama namin, friendship namin, nilagay ko sa isang letter na mahaba, na sinulat ko talaga.

“So, nu’ng binigay ko sa kanya, magkasama kami nu’ng binasa niya. Ilang months ko rin sinulat ‘yon. Kasi nga bata pa lang kilala ko na siya, kaya marami talaga akong puwedeng masabi.”

Paano ba nanligaw si Nash sa iyo? Baka naman sa text, o chat lang siya niligawan?

“Ay hindi! Ang chaka nu’ng ganun na sa chat lang, o text lang.

“Old school kasi ako. Hindi ako millennial mag-isip.

“Pero ‘yun nga, nu’ng binasa niya ‘yon, naiyak talaga siya,” kuwento ni Mika.

“Basta sabi ko lang sa kanya, excited ako sa relasyon namin, kasi nga siya ang first boyfriend ko, at bata pa lang magkakilala na kami, magkaibigan na kami.

“Iyak nang iyak si Nash. Pero hindi siya babakla-bakla, ha.”
Ang ganda ng kuwento niyo ni Nash, na puwedeng kapulutan ng aral ng mga kabataan, ha!

“Oo nga raw po. Sabi rin kasi sa akin ni Nash, gusto niya na sa time na gusto ko, doon ko lang siya sagutin. Hindi siya ‘yung tanong nang tanong kung okey ba na maging kami. Kaya siya hindi niya ako tinatanong kung puwedeng maging kami. Natakot din siguro siya na hindi ko siya masagot.

“So sabi niya, ako na lang ang bahala kung kelan ako ready. At ‘yun na nga, nu’ng ready na ako, sinagot ko na siya,” nakangiting kuwento ni Mika.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy