Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Magalong: Contact tracer sanaying mag-imbestiga

0 104

Dapat umanong sanayin ng police investigation ang mga contact tracer para sa coronavirus, ayon kay contact tracing czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Sabi ni Magalong, ito ang bagong paraan para sa mas epektibo at mabilis na contact tracing sa mga taong nakasalamuha ng mga COVID-19 patient.

Dagdag ng mayor, pinag-aralan niya ang ginagawang contact tracing ng Department of Health at ipinasok ang sistema ng Philippine National Police investigation.

Bukod dito, ani Magalong, sa bawat bubuuing team ng contact tracer ay kailangang kasama ang isang pulis dahil malaki ang maitutulong ng mga ito sa nasabing hakbang. (Allan Bergonia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.