Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-utol timbog sa droga

0 102

Magkasamang naghihimas ng rehas ang magkapatid na tulak umano ng ilegal na droga matapos silang malambat ng mga awtoridad sa isang buy-bust sa Lucena City, Quezon kahapon.

Nakakandado sa isang selda sina Bryan Dublas, 28-anyos at kapatid na Aljun, 24-anyos, kapwa residente ng Brgy. Cotta sa Lucena City na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Lucena City Police Chief Lt. Col. Reynaldo Reyes, nahulog sa kanilang bitag ang magkapatid nang makaiskor sa kanila ang isang pulis na nagkunwaring customer ng P500 halaga ng shabu.

Nakumpiska rin sa kanila ang anim na sachet ng hinihinalang shabu na pinaniniwalaang isasalya nila sa kanilang mga suki. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.