Una sa Balita

Mag-utol nalasing, nanaksak: 1 dedo

0 480

UTAS ang isa sa lasing na magkapatid na nagwala at nanghabol ng saksak sa Batangas City noong Linggo nang gabi.

Ideneklarang dead on arrival sa Batangas Medical Center ang suspek na si Erwin Nuñez makaraang mabaril ni PSSgt. Leovino Mendoza alas-10:00 nang gabi, nang rumesponde ito sa insidente.

Arestado naman ang kapatid nito na si Zerwil Nuñez.
Batay sa report ng Batangas City Police, nagwala at nanaksak ang magkapatid matapos uminom ng alak sa Brgy. Bolbok, Batangas City.

Kabilang sa nasaksak ng dalawa ay sina Victorino Lanor na isang barangay kagawad, barangay tanod na si Roderick Macalalad at ang pintor na si Jayson Royo na pawang umaawat sa magkapatid.

Napilitan namang barilin ng pulis na si Mendoza ang nasa­wing suspek matapos na araruhin din nito ng saksak ang nagrerespon­ding pulis.

Ginagamot naman sa ospital ang tatlong biktima matapos na ang mga ito ay magtamo ng mga tama ng saksak sa katawan. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy