Una sa Balita

Mag-utol nakuryente sa panghuhuli ng palaka sa La Union

By ,
0 336

PATAY ang magkapatid na batang lalaki matapos na makuryente ang mga ito habang nanghuhuli ng palakang bukid kamakalawa nang gabi sa bayan ng Sto. Tomas, La Union.

Dead on-the-spot ang mga biktimang nakila­lang sina Bryan Jay Carbonell, 13, at kapatid nitong si Prince, 11, resi­dente ng Brgy. Lolomboy ng nabatid na bayan, matapos na gumapang sa kanilang katawan ang kuryente buhat sa isang poultry farm.

Sa ulat ng La Union Police Provincial Office na isinumite sa Police Regional Office (PRO) 1, naganap ang insidente dakong alas-sais nang gabi nang mapadako ang magkapatid sa isang poultry farm na pag-aari ni Ado­nis Robles at dito nadikit ang mga bata sa live wire na nakapalibot sa bakod sa Brgy. Namboongan ng nasabing bayan.

Sadya umanong ini­lagay ang kable ng kur­yente upang maprotektahan ang manukan laban sa magnanakaw su­balit aksidenteng nadikit ang mga biktima doon.

Sa ngayon, nagpapa­tuloy sa imbestigasyon ang pulisya upang ma­laman kung may pananagutan sa batas ang may-ari ng nasabing farm.