Una sa Balita

Mag-utol na tandem sa pagtutulak kalaboso

0 272

ARESTADO ang isang dalaga at ang nakababatang kapatid nitong lalaki, kabilang ang tatlo pa nilang kasamahan na umano’y mga drug pusher, makaraang masukol sa ikinasang buy-bust operation, kahapon nang madaling-araw sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga dinakip na sina Carina Nievera, alyas ‘Karen’, 37, kapatid nitong si Francis, 34; Francisloran Fabian, 30; Darwin Jetis, 23 at Mark Anthony Magaru, 23.

Kuwento ni Capt. Bulan, bandang alas-dos nang madaling-araw, nagkasa sila ng buy-bust operation sa kahabaan ng Road 3, San Miguel Heights Subdivision, Barangay Marulas, Valenzuela City.

Target ng pulisya ang mag-utol na Nievera na umano’y drug pusher sa Brgy. Marulas.

Isang pulis ang nagkunwaring poseur buyer at umiskor ng P200 halaga ng shabu sa mag-ate, at tatlong kasamahan.

Matapos iabot ng mag-utol ang shabu sa undercover na pulis, dinamba na sila ng mga tauhan ni Capt. Bulan na nasa paligid lang.

Nakuha sa magkapatid na Nievera ang apat pang plastic sachet ng shabu, habang tig-iisang piraso naman sa tatlo nilang kasamahan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. ang mga suspek. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy