Una sa Balita

Mag-utol na pusher arestado

By
0 101

ARESTADO ang magka­patid na pusher ng iligal na shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)-Police Station 9 kahapon ng hatinggabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ni Sr. Insp. Edwin Fuggan ang mga naaresto na sina Federico Macalinao, 29-anyos, residente ng 2101 Leve­riza St., Malate, Manila at kapatid nitong si Injimar, 25-anyos.

Kapwa sinampahan ng kasong paglabag sa Sec. 26 & Sec. 11 sa ilalim ng Art II ng Republic Act 9165, kilala bilang Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

Naganap umano ang pagkakaaresto sa magkapatid dakong alas-12:30 ng hatinggabi sa may panulukan ng Quirino Ave. at Leveriza St., Malate.

Nakumpiska sa magkapatid ang limang sachet ng shabu at P300 buy-bust money.
Kasalukuyang nakadetine ang mga suspek sa MPD-PS 9.