Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-utol na paslit nalunod sa ilog

0 133

Patay ang magkapatid na paslit nang malunod sa bahagi ng Pampanga river sakop ng Brgy. Julo, San Antonio, Nueva Ecija, Biyernes ng hapon.

Sa ulat ni PMajor Abraham Atencio, nakilala ang biktimang sina Eleazar Punzalan Velasquez, 14, grade 8 at si Coofer, 12, grade 5, kapwa taga-Purok 7, Brgy. Julo, San Antonio.

Nabatid na alas-3:30 ng hapon nang maaya ang magkapatid na maligo sa ilog ng kalarong si Justine Bangabanga, 11, isang kabarangay.

Sa paunang impormasyon, tumatanggi ang dalawang biktima na gumawi sa lugar dahil sa ginagawang dike sa lugar.

Hanggang isinakay umano sa balikat ni Bangabanga si Coofer ngunit nahulog sa ilog.

Tinangka umano itong sagipin ni Eleazar subali’t pati ito ay bumulusok sa ilog at kapwa nalunod.

Magdamag na hinanap ang magkapatid hanggang matagpuang nakabalalak sa water lily si Coofer kahapon ng alas-otso ng umaga.

Alas-onse naman narekober ang labi ni Eleazar ng mga rescue teams mula sa Cabanatuan at Palayan Cities Rescue teams. (Jojo De Guzman)

Leave A Reply

Your email address will not be published.