Una sa Balita

Mag-utol na estudyante todas sa motorsiklo

0 204

KAPWA nasawi ang magkapatid na estud­yante nang ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo ay sumabit sa isang elf van sa Calamba City, Laguna kamakalawa nang hapon.

Ideneklarang dead-on-arrival sa ospital ang mga biktimang sina Nikki Gaspar, 24, at Nheejay Gaspar, 22-anyos, mga residente ng Brgy. Canlubang.

Batay sa report ng Calamba City police, nangyari ang insidente sa Kapayapaan road sa nasabing barangay habang magkaangkas ang dalawa sa Raider 150 na motorsiklo na minamaneho ng nakababatang si Nheejay dakong alas-tres nang hapon.

Nakasabitan umano nito ang kasabay na elf van na minamaneho ni John Paulo Antonio.

Tumilapon ang dalawa sa kalsada at nagtamo ng mga grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Nasa kustodiya na ng Calamba City police ang suspek at sasampahan na ng kaso. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy