Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mag-utol na Dawlah Islamiya member utas

0 36

Patay ang magkapatid na pa­wang miyembro ng local terro­rist group na Dawlah Islamiya nang manlaban umano sa mga awtoridad na nagsilbi ng warrant of arrest sa Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jourhan Palalisan Utap at kapatid na si Mohaimen, pawang residente ng Sitio Bio, Purok 4, Brgy. Lapu.

Naganap ang engkuwentro alas-2:30 Martes ng hapon sa pagitan ng mga suspek at pinagsanib na puwersa ng Special Action Force at Police Regional Office 12, na nagsilbi ng arrest warrant laban kay Jourhan para sa kasong possession of illegal firearms and explosive na inilabas ng korte.

Subalit imbes na sumuko ay nanlaban ang magkapatid na nagresulta sa kanilang pagkasawi. Narekober sa mga ito ang isang kalibre .45; isang caliber .357 revolver, mga bala at limang sachet ng shabu. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.