Una sa Balita

Mag-utol na Curry magpapasiklaban

0 240

CURRY vs. Curry sa Western Conference finals.

Naunang bumiyahe doon si Steph Curry nang tapusin ng Gol­den State Warriors ang Houston Rockets sa anim na laro, huli ang 118-113 win noong Biyernes.

Sumunod si Seth Curry nitong Linggo nang kalusin ng Portland Trail Blazers ang Denver Nuggets 100-96 sa Game 7 ng hiwalay nilang series.

Hinihintay ng Warriors ang makakatapat sa conference finals, pinanood ang Blazers-Nuggets decider.

Pagkatapos ng laro, ayon kay Royce Young ng ESPN, nag-text daw si Steph kay Seth ng maigsi pero direktang mensahe: “I’ll see you Tuesday.”

Miyerkoles sa Manila ang siklab ng West championship, taya ang isang NBA Finals ticket.

Bentahe ni Steph, 31, laban kay Seth, 28, ang tatlong NBA titles at apat na Western Conference championships.

Sila ang unang magkapatid na magkakalaban sa conference finals.

Paano ang mga magulang?

Ayon kay Rachel Nichols ng ESPN, sinabi sa kanya nina Sonya at Dell Curry na toss coin na lang kung sino ang susuportahan ng bawat isa. Kasama rito ang kung kaninong team gear ang isusuot ng ina o ama.
Fair! (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy