Una sa Balita

Mag-utol na Cu masisilayan uli grandmaestro

0 273

Saksi tayo sa mabilis na pag-asenso sa larangan­ ng chess ng magkapatid na Ivan Travis at Jericho Winston Cu na pambato ng Xavier School mula San Juan City sa gabay ni coach Rolando ‘Rolly’ Yutuc.

Nitong Nobyembre nabigyan tayo ng pagkakataong magsagawa ng chess simultaneous exhibition sa Xavier School.

Si Jericho Winston ay isa sa naka-draw sa akin habang ang nakatatandang kapatid naman na si Ivan Travis ang isa sa nahuling natapos na kalaban, na nakakuha ng award na “The Last Man Standing”.­

Kaya nitong Dis­yembre sa ulat ng ating kumpareng si Arena Grandmaster (AGM) Almario Marlon­ Quiroz Bernardino Jr. ay hindi na tayo nagtaka na pinangunahan ng magkapatid na Cu ang kampanya ng PH kids chess team sa 36th Singapore National Age Group Chess Champion­ships na ginanap sa Expo MAX Atria sa Singapore.

Sa Enero 25 muli natin masisilayan ang magkapatid na Cu, sa ikatlong sunod na taon ay muling titilaok ang ‘Chooks-To-Go National Rapid Chess Championships’ sa Exhibition Hall 5/F, Aya­la Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Avenue, corner Aseana Avenue sa Parañaque City sa Enero 25.

Ito ay suportado ni Bounty Agro Ventures Inc. President Ronald Daniel Ricaforte Mascariñas na magkatuwang na inorganisa nina PECA President Dr. Alfredo ‘Fred’ Paez at Rotary Club of Nuvali President Christopher Sarmiento.
***

Good luck sa kumpare nating si Arena Grandmaster (AGM) Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr. na ngayong araw ay magtutungo sa Singapore para sa isang chess competition. Lilipad siya gabi ng Lunes via Scoot Airlines sa Clark, Angeles Pampanga.
***

Magandang balita ang hatid ng ating kaibigan na si Novaliches Chess Club board of director at PECA official engr. Dandel Fernandez na pambato ng Maynilad chess team na gumagawa ng alingawngaw sa United Arab Emirates.

Nitong Enero 10 ay nakisalo sa kampeonato si Fernandez kina International Master (IM) Mokliss El Adnani ng Morocco at Grandmaster (GM) Bartosz Socko ng Poland sa tinampukang Fischer Random Chess-Sharjah na ginanap sa Sharjah Chess Club sa Sharjah, United Arab Emirates.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More